ANGADANAN, Isabela – Arestado ang isang 19 anyos na binata na tinaguriang Top 6 Most Wanted Person o TMWP sa provincial level sa Aurora Police Provincial Office o APPO matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest ng kapulisan sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. Fugaru, Angadanan, Isabela.
Sa direktiba ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO na hulihin at panagutin ang mga nagkasala sa batas kung kayat agad na tumalima si PMaj. Francisco Liwag, hepe ng Angadanan Police Station na agad ang naaresto si alyas “Jerson,” 19 taong gulang, binata, out-of-school youth (OSY), residente ng Brgy. Cadayacan, Maria Aurora, Aurora Province.
Ayon kay PMaj. Liwag, ang binatang suspek ay may kinakaharap na kasong pagpatay sa bayan ng Angadanan, Isabela.
Dakong 1:30 ng kahapon, matagumpay na ipinatupad ng pinagsanib na operatiba ng Angadanan Municipal Police Station, bilang lead unit, at Aurora Police Provincial Office o APPO ang Warrant of Arrest laban sa akusado na walang inirekomendang piyansa.
Pansamantala nasa kustodiya ng Angadanan Police Station ang binatang suspek para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. (REY VELASCO)