Home NATIONWIDE Higit 740K sako ng lumang bigas, ipasusubasta ng NFA

Higit 740K sako ng lumang bigas, ipasusubasta ng NFA

3
0

MANILA, Philippines – Muling isasagawa ng National Food Authority (NFA) ang subasta ng 741,570 sako ng lokal na bigas na mahigit anim na buwang nakaimbak matapos mabigo ang unang subasta noong Hunyo 30.

Ayon sa NFA, ang kabuuang halaga ng mga bigas na isasailalim sa subasta ay P1,068,144,811.

“It’s re-auction. Failed yung last June 30,” sabi ni NFA Administrator Larry Lacson.

“Walang sumali (no one joined),” dagdag pa niya.

Gaganapin ang pre-auction conference sa Agosto 5, habang ang pagbubukas ng mga bid ay sa Agosto 12.

Maaaring inspeksiyunin ng mga interesadong bidder ang mga stock ng bigas sa mga NFA Branch Office mula Agosto 5 hanggang Agosto 10, sa oras na 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. tuwing araw ng trabaho.

Kailangang magbayad ang mga bidder ng auction bond na katumbas ng hindi bababa sa 10% ng kanilang alok sa bawat lote.

Bukas ang subasta sa mga samahan ng magsasaka, kooperatiba, grupo, at mga lehitimong negosyo. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here