ILOCOS SUR, Philippines – Sugatan ang isang 74-anyos na lolo matapos mabangga ng motorsiklo habang naglalakad sa kalsada sa bayan ng Lidlidda ng lalawigang ito nitong Linggo ng gabi, Agosto 2.
Ayon sa Lidlidda Municipal Police Station, ang pedestrian at ang 15-anyos na lalaking driver ng Honda Repsol 150 motorcycle ay parehong residente ng naturang bayan.
Base sa CCTV footage, ang motorsiklo ay bumibiyahe papuntang silangan.
Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, ang mata ng driver ng motorsiklo ay nasilaw sa liwanag mula sa headlights ng bumibiyaheng SUV sa kabilang lane sanhi para mabangga nito ang naglalakad na matanda.
Maging ang driver ng motorsiklo ay sugatan din sa naturang insidente.
Ag driver at ang pedestrian ay parehong isinugod sa Candon General Hospital. Rolando S. Gamoso