MANILA, Philippines – Natagpuang patay at walang saplot ang isang dalawang-taong-gulang na batang babae na siyam na araw nang nawawala sa isang masukal at liblib na lugar sa Catbalogan City, Samar, noong Linggo ng hapon.
Base sa imbestigasyon, nakita ang naaagnas nang bangkay ng bata sa Barangay Lobo.
Iniulat na nawawala noong Hulyo 25 ang biktima, na residente ng Barangay San Andres.
Hinala ng isang opisyal ng barangay, maaaring itinapon lamang sa lugar ang katawan ng bata.
Isinailalim sa awtopsiya ang mga labi upang matukoy ang sanhi ng kaniyang pagkamatay. Mary Anne Sapico