Home NATIONWIDE Estrada, umapela sa Sandiganbayan na muling pag-aralan hirit na piyansa

Estrada, umapela sa Sandiganbayan na muling pag-aralan hirit na piyansa

2
0

MANILA, Philippines — Hiniling ni Sen. Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan Fifth Division na muling pag-aralan ang naunang pagtanggi nito sa kaniyang mosyon na magtakda ng piyansa sa kasong plunder kaugnay ng umano’y flood control kickback scheme.

Sa motion for reconsideration na inihain nitong Lunes, iginiit ng mga abogado ni Estrada na nagkamali ang korte nang sabihing kailangan muna ng naunang judicial determination na malakas ang ebidensiya ng pagkakasala bago maitakda ang piyansa sa mga capital offense gaya ng plunder.

Noong Hulyo 24, ibinasura ng anti-graft court ang naunang mosyon ni Estrada dahil premature umano ito.

Binanggit ng kampo ng senador ang desisyon ng Korte Suprema sa *Enrile v. Sandiganbayan*, na ayon sa kanila ay nagpapahintulot na makapagpiyansa ang isang akusado sa non-bailable offense kapag napatunayang hindi ito flight risk, anuman ang lakas ng ebidensiya ng Prosecution.

“The exception to the fundamental right to bail should be applied in direct ratio to the extent of the probability of evasion of prosecution,” nakasaad sa mosyon.

“Apparently, an accused’s official and social standing and his other personal circumstances are considered and appreciated as tending to render his flight improbable,” dagdag nito.

Iginiit ng depensa na ang pangunahing layunin ng piyansa ay tiyaking haharap ang akusado sa paglilitis at sasailalim sa hurisdiksiyon ng korte, at hindi upang parusahan ito bago mahatulan. Inilarawan din nito ang piyansa bilang “reconciling mechanism to accommodate both the accused’s interest in pretrial liberty and society’s interest in assuring the accused’s presence at trial”.

Binanggit ni Estrada ang kaniyang halos 40 taong paglilingkod sa pamahalaan at ang pagsunod niya sa mga travel restriction sa mga nakaraang kaso upang patunayang hindi siya flight risk.

Ayon sa depensa, ilang beses nang pinayagang bumiyahe sa ibang bansa si Estrada at palagi itong bumabalik upang harapin ang mga paglilitis. Kusang bumalik din umano ang senador matapos pansamantalang alisin ng Manila Regional Trial Court ang precautionary hold departure order upang makapagpakonsulta siya sa Singapore noong Abril 2026, sa kabila ng nakaambang kasong plunder.

“He has never exhibited the slightest inclination to flee the jurisdiction of Philippine courts,” nakasaad sa mosyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here