Home ENTERTAINMENT Nakasampay na panty ng BINI, nahagip sa livestream!

Nakasampay na panty ng BINI, nahagip sa livestream!

2
0

Manila, Philippines — Amused yet embarrassed.

Ganito ang reaksiyon ng BINI members na sina Jhoanna at Stacey nang mahagip ng camera ang mga nakasampay nilang panty.

Bale, nagla-livestream sila nang ’di namamalayang nasa likod pala nila ang kanilang mga undies na isinampay.

Pero depensa nila, sila naman daw kasi ang naglalaba ng mga ito.

Natural, alangan namang iasa pa nila iyon sa ibang tao!

Naka-post sa X ang video habang nagla-livestream sila para sa Blooms.

Nasa background nga ang kanilang mga panty na isinampay upang patuyuin.

“Alisin mo nga ’yan!” pautos na sabi ni Jhoanna kay Stacey, na sumunod naman.

Ipinagmalaki pa ni Jhoanna na sila mismo ang naglalaba ng kanilang mga undies at hindi isinasama ang mga iyon sa iba pang labahin.

“Huwag mo nang sabihin!” pag-awat pa ng nahihiyang si Stacey.

Nang maalis na ang mga iyon, nagpatuloy na muli ang dalawang BINI member sa pagla-livestream. (Ronnie Carrasco III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here