Manila, Philippines — Walang dahilan para manatili pa kasama ng ama.
Ito ang naging desisyon ni Nadia Montenegro matapos pauwiin ang anak na si Sophia mula sa bahay ng ama nitong si Baron Geisler.
Ito’y bunsod na rin ng personal na problema ng aktor.
Isang taon ding tumira ang anak nila sa bahay nina Baron.
Aware daw si Nadia that Baron and his family are going through some problems.
“I pulled out my child. Ayoko namang maapektuhan si Sophia, who’s studying pa naman… Nakakabigat din ’yung anak ko. Better na ayusin muna nila ’yung problema,” paliwanag ni Nadia.
Nadia is referring to the issue between Baron and his wife, Jamie Evangelista.
Jamie hinted at Baron having a drug relapse.
Bale, February pa raw inalis ni Nadia ang anak sa bahay ni Baron. “Pero ’yung relationship ng mag-ama, secure naman. Alam ko namang hindi idadamay ni Baron ang anak ko.”
Iyon lang daw ang pakiusap niya sa aktor—ingatan si Sophia at huwag isangkot sa mga kung anu-anong problema.
Sa isyung balik-bisyo si Baron, what’s Nadia’s message?
Aniya: “I wish him well. Ayoko lang madamay si Sophia. Nahe-hurt din kasi siya. Siyempre, tatay niya ’yon.”
Sana raw ay maayos ng mag-asawa ang kanilang problema.
Kasabay nito ang panghihinayang ni Nadia dahil mahusay pa naman daw na artista si Baron. (Ronnie Carrasco III)