Home NATIONWIDE 3 batalyon ng sundalo, ipadadala sa BARMM polls

3 batalyon ng sundalo, ipadadala sa BARMM polls

1
0

MANILA, Philippines — Nagdeploy ang Philippine Army ng tatlong karagdagang batalyon upang tumulong sa seguridad ng kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Setyembre 14.

Sinabi ni Army spokesperson Col. Louie Dema-ala na ang augmentation forces ay mula sa 28th Infantry Battalion, 75th Infantry Battalion at 2nd Scout Ranger Battalion.

“Aside from (the) 6th Infantry Division (based in Maguindanao del Norte), 1st Infantry Division (Zamboanga del Sur), the 11th Infantry Division (Sulu) meron tayong (we have) additional troops coming from the 28th Infantry Battalion (IB), 75th IB, the 2nd SRB (Scout Ranger Battalion),” sinabi ni Dema-ala sa press briefing sa Camp Aguinaldo, Quezon City nitong Martes.

Mahigit 500 sundalo ang bumubuo sa bawat batalyon. Nagpadala rin ang Army ng joint special operations team mula sa higher headquarters, ngunit hindi ibinunyag ang bilang ng mga tauhan nito.

“So, ito yung mga naka-deploy sa ngayon as augmentation doon sa ating mga personnel doon sa BARMM,” ani Dema-ala.

Dadagdagan ng mga tropa ang mga yunit ng 6th Infantry Division sa Maguindanao del Norte, 1st Infantry Division sa Zamboanga del Sur at 11th Infantry Division sa Sulu.

Ayon kay Dema-ala, tuloy-tuloy ang security operations ng mga tropa, lalo na sa pagpapatupad ng election gun ban.

Patuloy din ang koordinasyon ng Army sa Philippine National Police upang matiyak ang mapayapa at maayos na halalan sa BARMM. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here