Home NATIONWIDE Abalos nakipagpulong sa business leaders sa mas madaling pagnenegosyo sa bansa

Abalos nakipagpulong sa business leaders sa mas madaling pagnenegosyo sa bansa

2
0

MANILA, Philippines – NAKIPAGPULONG si Cabinet Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. sa mga business organizations at nangako na tutulong na palakasin ang implementasyon ng Ease of Doing Business law, bilang suporta sa pagsusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mas mabilis na government services at mas maraming business-friendly Philippines.

Dumalo sa nasabing miting sina Sergio R. Ortiz-Luis Jr., Jose T. Pardo, Edgardo G. Lacson, George T. Barcelon, Enunina V. Mangio, Ferdinand A. Ferrer, Raymund Jude G. Aguilar, Jose D. Lina, Roberto A. Alvarez, Adriana M. Baguio, Victor Lim, Ma. Alegria Limjoco, Bryan Ang, Bernardo Benedicto III, Apolinar Aure, Arturo Guerrero III, Rhoda Caliwara, Gio Antonio Ortiz-Luis, Jover Tutañes, at Eunice Decena.

Dumalo rin ang delegasyon na kumatawan naman sa Philippine Chamber of Commerce and Industry, Philippine Exporters Confederation, Inc.; Philippine Stock Exchange Council of Leaders; Employers Confederation of the Philippines; International Chamber of Commerce Philippines; Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry; Ease of Doing Business Philippines Foundation; Buklod Bayani Coalition; Women’s Business Council Philippines; at Philippine Association of Legitimate Service Contractors.

Inilatag ng business delegation ang mga hinaing at nagpresenta ng mga panukala na naglalayon na paghusayin ang ‘government processes, pabilisin at gawing simple ang investments, at palakasin ang ugnayan sa pagitan ng public at private sectors.’

Muli namang pinagtibay ni Abalos na ang Office of the Cabinet Secretary (OCS) ay bukas sa mga hinaing mula sa business community at maaaring mag- convene ang mga ahensiya ng gbyerno upang mas mapahusay pa ang pagpapagaan sa pagnenegosyo sa bansa.

“Ang sabi ng Pangulo, we are opening Malacañang. The doors are open for everyone,” ayon kay Abalos.

Tinuran pa ni Abalos na ang OCS ay nagsisilbi rin bilang conduit sa pagitan ng gobyerno at business sector sa pamamagitan ng paghahatid ng mga hinaing sa tamang ahensiya at mapadali ang kaugnay na government action.

Samantala, binigyang diin naman ni Abalos ang kahalagahan ng ‘practical, time-bound solutions at ang pangangailangan na ibalanse ang ‘development, environmental protection, at public welfare sa government decision-making. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here