Bulacan – Arestado ang 10 indibiduwal nang mahulihan umano ng iligal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa lalawigang ito nitong Agosto 5.
Sa ulat ni PLTCOL Gilbert Diaz, hepe ng Bocaue police station, isang drug suspect ang kanilang naaresto bandang 5:50 ng madaling araw sa Brgy. Batia.
Nakumpiska mula sa suspek ang siyam na sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang P197,200 at buy-bust money.
Samantala, siyam na drug suspects din ang nahuli ng Hagonoy, Baliwag at Obando police station, ayon pa rin sa ulat.
Nasamsam din sa kanilang mga operasyon ang 12 sachets ng hinihinalang shabu na nasa halagang P120,360 at buy-bust money.
Nabatid na ang lahat ng suspek ay nasa kustodiya ng isyasyong humuli sa kanila na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Dick Mirasol III