Home NATIONWIDE University-based crime prevention committee aprubado na sa komite ng Kamara

University-based crime prevention committee aprubado na sa komite ng Kamara

1
0

MANILA, Philippines – Aprubado na ng House Committee on Higher and Technical Education ang panukalang batas na nagsusulong sa pagbuo ng isang komite sa mga kampus na pipigil sa mga krimen na posibleng maganap sa loob ng paaralan.

Ang komite ay pinamumunuan ni Tingaog Partylist Rep. Jude Acidre.

Ang House Bill (HB) 6649 na inihain ni Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez at ABAMIN Partylist Rep. Maximo Rodriguez Jr. ay naglalayong lumikha ng “university-based crime prevention committee (CPC) upang matiyak na ligtas ang komunidad ng mga paaralan mula sa panlabas at panloob na panganib o pagbabanta.

Ang HB 6649 ay tinawag na Campus Safety and Security bill ay inihain bilang tugon sa sunud-sunod na insidente ng karahasan sa loob ng mga paaralan at unibersidad sa buong bansa.

“Students and their parents should always feel safe and are entitled to have a safe and secure environment when pursuing their studies.”

Sa ilalim ng panukala ang university-based CPC ay dapat likhain upang lalong mapatatag ang mga paaralan maging ang mga tinatawag na “educational institutional policies on security.”

Agad namang sinuportahan ni Pasig Rep. Roman Romulo, chairman ng House Committee on Basic Education and Culture ang panukala at sinusugan niya ito sa pagsusulong na maisama dito ang kahulugan ng academic freedom at ang freedom of expression ng mga estudyante. Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here