Home NATIONWIDE Landslide, rockfall naitala sa iba’t ibang bahagi ng Cordillera

Landslide, rockfall naitala sa iba’t ibang bahagi ng Cordillera

2
0

MANILA, Philippines – Nakaranas ng iba’t ibang landslide at rockslide ang mga lugar sa Cordillera region dahil sa malalakas na pag-ulan dulot ng Bagyong Maymay.

Sa Benguet ay tumama ang landslide sa paanan ng bundok malapit sa Lamtang Elementary School sa Barangay Puguis, La Trinidad.

Naharangan ng mga bumagsak na bato at puno ang entrada ng paaralan at nasira rin ang solar-powered streetlight. Nagtamo rin ng matinding pinsala sa access road.

Agad na nagsagawa ng clearing operation ang mga opisyal ng barangay at Department of Public Works and Highways (DPWH)-Benguet sa pag-aalis ng mga debris.

Samantala, patuloy din na minomonitor ang mga bumabagsak na bato at debris sa Camp 2 ng Kennon Road sa Tuba, Benguet.

Nakaranas din ng landslide ang Balbalan-Pinukpuk Road sa Kalinga kung saan hindi madaanan ang kalsada at humambalang pa ang natumbang poste.

Nagsagawa na rin ng clearing operations sa lugar. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here