Home NATIONWIDE Nueva Ecija apektado ng landslide, pagbaha

Nueva Ecija apektado ng landslide, pagbaha

1
0

MANILA, Philippines – Nakaranas ng mga pagbaha at landslide ang ilang bahagi ng Nueva Ecija dahil sa malalakas na pag-ulan dala ng Bagyong Maymay.

Sa ulat, naganap ang landslide sa Nueva Ecija-Aurora Road sa Barangay Calaanan, Bongabon.

Hindi naman naapektuhan ang daloy ng trapiko dahil sa agarang paglilinis ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Inabot naman ng baha ang tulay sa Barangay San Roque, Bongabon, dahilan para malubog ang mga taniman ng mais.

Sa Laur ay pansamantalang isinara ang detour bridge sa bridge construction site sa Barangay Sagana upang makadaloy ang tubig sa creek.

Nakaranas din ng mga pagbaha sa Maharlika Highway sa boundary ng Cabanatuan City at Talavera. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here