Home NATIONWIDE PH-China agreement ukol sa RORE nagresulta ng 15 incident-free missions —DFA

PH-China agreement ukol sa RORE nagresulta ng 15 incident-free missions —DFA

2
0

MANILA, Philippines – NAGRESULTA ng 15 incident-free missions sa mga tropang nakatalaga sa BRP Sierra Madre ang ‘provisional understanding’ sa pagitan ng Pilipinas at Tsina ukol sa rotation and resupply (RORE) missions sa BRP Sierra Madre at Ayungin Shoal.

“The provisional understanding has been in place for two years, since July 2024. We have conducted 15 incident-free resupply missions.” ang sinabi ni Deputy Assistant Secretary Rogelio Villanueva Jr, Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson for Maritime Affairs.

Sinagot lamang ni Villanueva ang tanong kung nananatiling may nakikita ang gobyerno ng kahalagahan sa nasabing “understanding” matapos ang kamakailan lamang na pag-atake ng Chinese Coast Guard personnel na ngaresulta ng pagkasugat ng mga sundalong pinoy na nagbabantay sa Philippine Military Outpost BRP Sierra Madre.

Aniya, simula ng kasunduan, matagumpay na nadala ng gobyerno ang mga suplay sa mga sundalong pinoy, kung saan “shows that the provisional understanding has worked.”

Sa ulat, nagkaroon ng kasunduan ang Pilipinas at China kaugnay sa “temporary arrangement” para sa RORE mission ng pang-araw-araw na pangangailangan sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ang kasunduan ay matapos ang ilang serye ng konsultasyon kasunod ng pag-uusap sa pagitan ng dalawang bansa sa 9th Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea sa Manila noong Hulyo 2, ng nasabing taon. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here