Home NATIONWIDE Natigil na rail project na posibleng magdugtong sa NoKor bubuhayin ng South...

Natigil na rail project na posibleng magdugtong sa NoKor bubuhayin ng South Korea

1
0

SOUTH KOREA – Bubuhayin ng South Korea ang isang railway project na posibleng maging koneksyon sa silangang lungsod ng Wonsan sa North Korea, sa kabila ng nananatiling malamig na relasyon ng dalawang bansa.

Ayon sa South Korea’s Unification Ministry, ipagpapatuloy ng pamahalaan ang rehabilitasyon ng naputol na bahagi ng Gyeongwon Line malapit sa Demilitarized Zone (DMZ). Sinimulan ang proyekto noong 2015 ngunit natigil pagkalipas ng isang taon.

Sinabi ni Unification Minister Chung Dong-young na ang linya ng tren, na nagsisimula sa Seoul, ay maaaring magsilbing koneksyon sa Wonsan sa hinaharap.

Noong 2024, winasak ng North Korea ang mga road at rail links sa hangganan bilang bahagi ng hakbang nitong ituring ang South Korea bilang isang “hostile state.”

Ayon sa ministry, layunin ng proyekto na mapalawak ang access sa mga peace at ecological tourism sites sa DMZ at makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya sa mga border area.

Kinilala naman ni South Korean President Lee Jae Myung na mahirap isulong ang pakikipag-ugnayan sa North Korea dahil sa patuloy nitong pagtanggi sa mga panawagan para sa mas maayos na relasyon.

“Maaaring parang pagsigaw ito sa isang lugar na walang sumasagot. Ngunit nananatiling mahalagang layunin ang kapayapaan at mapayapang pakikipamuhay. Kahit mahirap, kailangan nating ipagpatuloy ang polisiya,” ani Lee.

Inihayag din ng Unification Ministry ang plano nitong palawakin ang paggamit ng Inter-Korean Cooperation Fund upang masuportahan ang mga proyekto sa border areas, peace economy, reunification initiatives, at pag-aaral tungkol sa North Korea. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here