MANILA, Philippines – Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 2,215 pamilya o 6,929 katao ang lumikas dahil sa pinagsamang epekto ng Bagyong Luis, Maymay, at habagat.
Nananatili ang mga evacuee sa 39 evacuation centers matapos magdulot ng pagbaha sa 83 lugar sa Ilocos Region, Central Luzon, Zamboanga Peninsula, at Bangsamoro Autonomous Region (BAR).
Sa kabuuan, 23,946 pamilya o 80,633 katao ang naapektuhan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, BAR, at Cordillera Administrative Region (CAR).
May 12 bahay na naitalang nasira, at P1.38 milyong halaga ng ayuda na ang naipamahagi ng pamahalaan.
Sa ngayon, wala pang naitatalang namatay, nasugatan, o nawawala dahil sa masamang panahon. RNT/MDS