Home HOME BANNER STORY PBBM, may standing order para arestuhin si Bato dela Rosa —Malakanyang

PBBM, may standing order para arestuhin si Bato dela Rosa —Malakanyang

1
0

MANILA, Philippines – Nagpalabas na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng standing order para arestuhin si Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

“Yes, still, there is,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro nang tanungin kung mayroong standing order si Pangulong Marcos para arestuhin si Bato.

Ani Castro, nananatiling epektibo ang nasabing utos habang nagpapatuloy ang operasyon ng Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay ng pag-aresto sa senador.

“Hahayaan po natin ang DOJ at ang DILG na siyang sumagot po diyan dahil sila ang nakakalam kung anong operasyon ang kinakailangan para po mabilis na maaresto si Senator Bato Dela Rosa,” ang winika ni Castro.

Nauna nang naglabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban kay Dela Rosa kaugnay ng kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa kampanya kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kabilang dako, winika pa rin ni Castro na inatasan ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez ang Anti-Fake Desk na imbestigahan ang pinagmulan ng maling impormasyon tungkol sa umano’y pagkakaaresto ni Dela Rosa at alamin kung may malisyosong layunin ang pagpapakalat nito.

Para sa Malakanyang, ang kumalat na ulat tungkol sa umano’y pag-aresto kay Dela Rosa ay isang diversion upang mailihis ang atensyon ng publiko mula sa mga usapin kaugnay ng impeachment trial ni Vice-President Sara Duterte. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here