Home NATIONWIDE Higit 80K apektado kay Luis, Maymay, Habagat – OCD

Higit 80K apektado kay Luis, Maymay, Habagat – OCD

1
0

MANILA, Philippines – Mahigit 80,000 katao o 23,946 pamilya ang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng Bagyong Luis, Maymay, at pinalakas na habagat, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Kabilang sa mga apektadong lugar ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, Zamboanga Peninsula, BARMM, at Cordillera Administrative Region.

Sa kabuuan, 6,929 katao o 2,215 pamilya ang pansamantalang nananatili sa 39 evacuation centers.

May 12 bahay na bahagyang nasira at 83 lugar ang binaha sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Zamboanga Peninsula, at BARMM.

Naglaan na rin ang pamahalaan ng P1.38 milyong ayuda para sa mga naapektuhang residente. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here