Home METRO Alert status ng Mayon, ibinaba sa Alert Level 2

Alert status ng Mayon, ibinaba sa Alert Level 2

1
0

ALBAY, Philippines – Ibinaba ng PHIVOLCS ang alert status ng Mayon Volcano mula Alert Level 3 patungong Alert Level 2 matapos ang tuloy-tuloy na paghina ng aktibidad ng bulkan mula pa noong huling bahagi ng Hulyo.

Ayon sa PHIVOLCS, huminto na ang pag-abante ng lava sa Mi-isi, Bonga, at Basud gullies noong Hulyo 22. Nabawasan din ang pagguho ng bato, pagyanig ng bulkan, at sulfur dioxide emissions. Wala na ring naitalang Strombolian eruptions at pyroclastic density currents matapos ang Hulyo 26 at Hulyo 28.

Gayunman, sinabi ng PHIVOLCS na may magma pa ring nakaimbak sa ilalim ng bulkan at nananatiling may pressure ang bulkan, kaya hindi nangangahulugang ganap nang ligtas ang Mayon.

Pinayuhan ang publiko na huwag pumasok sa loob ng 6-kilometrong permanent danger zone dahil posible pa rin ang biglaang pagsabog, pagguho ng bato, ashfall, at lahar lalo na kapag may malakas na ulan. Pinayuhan din ang mga piloto na iwasan ang paglipad malapit sa tuktok ng bulkan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here