MANILA, Philippines – Tinintahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang batas na magbibigay ng ‘greater flexibility’ sa Department of Education (DepEd) sa pagdetermina ng pinaka-epektibong teaching methods para sa basic education curriculum sa bansa.
Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Republic Act (RA) 12322, nito lamang Agosto 2, sinusugan ang RA 10533, o ng Enhanced Basic Education Act of 2013, pinapayagan ang DepEd na i- adopt ang tinatawag na pedagogical approaches na kinokonsidera nitong pinaka-epektibo sa pagtiyak sa ‘mastery of knowledge and skills’ sa mga mag-aaral.
“The curriculum shall employ the approach deemed most effective by the DepEd to ensure mastery of knowledge and skills after each level,” ang nakasaad sa Seksyon 1 ng batas batas.
Inalis ng pagsusog ang nakaraang probisyon na nagtakda ng specific standards at prinsipyo para sa curriculum development, binigyan ang DepEd ng higit na kakayahang umangkop para tumugon sa nag-eebolusyon na educational needs at pagpapatupad ng evidence-based teaching practices.
Idagdag pa rito, inatasan ng RA 12322 ang DepEd na magsagawa ng komprehensibong pagrerepaso sa basic education curriculum kada limang taon upang masiguro na mananatili itong ‘relevant, responsive, at epektibo sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral.
Samantala, ang batas ay magiging epekto 15 araw matapos ang paglalathala sa Official Gazette o sa anumang pahayagan na may general circulation. (KRIS JOSE)