Home ENTERTAINMENT Petsa ng bday ni Vice, pina-tattoo ni Ion!

Petsa ng bday ni Vice, pina-tattoo ni Ion!

2
0

Manila, Philippines – Sign of love.

Walang dudang palatandaan ng pagmamahal ni lon Perez sa kanyang asawang si Vice Ganda ang pagpapa-tattoo nito ng date of birth ng TV host-comedian sa kanyang binti.

O, ‘di ba, lalong humaba ang hair ng Unkabogable Star?!

Sa It’s Showtime, itinaas ni lon ang hemline o laylayan ng kanyang pantalon para ibida sa kanyang binti ang petsa ng kaarawan ng kanyang mga loved ones.

Pagmamalaki ni lon: “Si Tatay, si Nanay tapos ikaw (Vice Ganda).”

Bumilib ang mga netizens kay lon–patunay lang daw how much he’s in love with Meme.

Joke naman ni Vice Ganda: puwedeng ipaputol na ni lon ang kanyang binti pag break na sila.

For sure, deep within ay pumapalakpak sa tuwa ang puso ni Vice Ganda.

Birthday mo ba naman ang naka-tattoo sa isang bahagi ng katawan ng minamahal mo: sino’ng hindi mata-touch?

Tiyak na inggit much ang sankabaklaan sa TV host.

Imagine, on national TV pa ang pagmamalaking ‘yon ni lon Perez, ‘no! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here