Home HOME BANNER STORY VP Sara kay Castro: Magpaka-propesyonal sa mga pahayag

VP Sara kay Castro: Magpaka-propesyonal sa mga pahayag

2
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Vice President Sara Duterte nitong Huwebes si Palace Press Officer Claire Castro na maging propesyonal sa kaniyang mga pahayag dahil kinakatawan nito si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang Office of the President.

Ginawa ni Duterte ang pahayag sa Davao City matapos dumalo sa Thanksgiving Mass para sa Kadayawan Festival. Tugon ito sa pagbasura ni Castro bilang “baseless” at “nonsense” sa sinabi ng bise presidente na “lapdog” ng administrasyong Marcos ang International Criminal Court.

“Uulitin ko ha, si Claire Castro is a spokesperson of the President and the Office of the President. Hindi ko alam kung kaninong spokesperson siya pero by the fact na spokesperson ka at mayroong seal ng Office of the President diyan, dapat maging professional ka sa mga sinasabi mo,” ani Duterte.

Ayon sa bise presidente, hindi malayang makapagbibigay si Castro ng personal na opinyon tulad ng isang pribadong indibidwal dahil nagsasalita ito para sa Office of the President.

“She doesn’t have the liberty na tulad sa atin na pwedeng magsalita ng kahit anong iniisip natin at kahit anong opinion natin kasi nagsasalita tayo para sa sarili natin. Pero kapag may seal sa likod mo, sa harap mo, kung ano yung professionalism na hinihingi galing doon sa opisina na yun, yun dapat ipakita at ibigay mo sa taong bayan,” pahayag ni Duterte.

Una nang pinagtawanan ni Castro nitong Huwebes ang tila kawalan ng kaalaman ni Duterte sa panukalang Pax Silica initiative ng pamahalaan. Noong Hulyo, tumanggi ang bise presidente na magkomento tungkol sa proyekto sa isang panayam sa The Hague. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here