Home HOME BANNER STORY Oil price rollback sa sunod na linggo, nakaumang

Oil price rollback sa sunod na linggo, nakaumang

1
0

MANILA, Philippines – Posibleng magkaroon ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Batay sa galaw ng merkado mula Agosto 3 hanggang 5, tinatayang bumaba ng ₱4.70 kada litro ang gasolina, ₱4.40 kada litro ang diesel at ₱4.80 kada litro ang kerosene.

Sinabi ni Jetti Petroleum President Leo Bellas na maaari pang madagdagan ang bawas-presyo sa huling dalawang araw ng trading dahil sa positibong developments sa Middle East at muling posibilidad ng isang peace agreement.

Gayunman, binalaan ni Bellas ang mga motorista na huwag umasa sa malaking rollback dahil hindi pa inaasahang babalik agad sa pre-war levels ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Ilalabas ng mga kompanya ng langis ang pinal na price adjustments matapos ang trading ngayong linggo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here