MANILA, Philippines — Nagprotesta nitong Biyernes ang iba’t ibang grupo ng manggagawa sa labas ng tanggapan ng Department of Labor and Employment sa Intramuros, Manila laban sa temporary restraining order ng isang korte sa Pasig na pumigil sa pagpapatupad ng P85 dagdag sa minimum wage sa Metro Manila.
Kabilang sa mga nagrali ang Unity for Wage Increase Now (UWIN), Nagkaisa Labor Coalition, Partido Manggagawa at Kilusang Mayo Uno, na bumatikos din kay Acting Labor Secretary Francis Tolentino dahil sa umano’y “weak response” nito sa TRO.









