Home HOME BANNER STORY Habagat, magpapaulan sa Luzon, Visayas

Habagat, magpapaulan sa Luzon, Visayas

4
0

MANILA, Philippines – Makakaranas ng pag-ulan ang Luzon at Visayas sa loob ng susunod na 24 oras dahil sa Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa PAGASA.

Asahan ang malakas na pag-ulan sa Occidental Mindoro, Zambales, at Bataan. Samantala, magkakaroon ng paminsan-minsang ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Abra, Benguet, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Oriental Mindoro, at Antique.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at thunderstorms ang mararanasan sa Zamboanga Peninsula, iba pang bahagi ng Luzon at Visayas, Misamis Occidental, Lanao del Norte, at Lanao del Sur.

Apektado rin ng trough ng tropical cyclone Dolphin ang Batanes at Babuyan Islands. Sa iba pang bahagi ng Mindanao, inaasahan ang mga localized thunderstorm.

Nagbabala ang PAGASA sa posibleng flash floods at landslides dahil sa katamtaman hanggang malakas na pag-ulan at matitinding thunderstorm.

Inaasahan din ang malakas hanggang gale-force na hangin at maalon hanggang napakaalon na karagatan sa Extreme Northern Luzon, habang katamtaman hanggang malakas na hangin at katamtaman hanggang maalon na dagat ang mararanasan sa iba pang bahagi ng bansa. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here