Home NATIONWIDE Opisyal ng BFP arestado sa P150K extortion sa aplikante

Opisyal ng BFP arestado sa P150K extortion sa aplikante

3
0

MANILA, Philippines – Inaresto ang isang opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa isang entrapment operation na isinagawa ng BFP Regional Office 1 at Philippine National Police (PNP) sa Dagupan City, Pangasinan noong Agosto 5 dahil sa umano’y paghingi ng ₱150,000 sa isang aplikante.

Isinagawa ang operasyon matapos magsampa ng reklamo ang 25-anyos na aplikante laban sa suspek na may ranggong Fire Officer 3 (FO3) at nakatalaga sa isang BFP fire station sa Region 1.

Nakipag-ugnayan ang BFP Region 1 sa Dagupan City Police Station 1 para sa operasyon. Inabot ng aplikante ang marked money sa loob ng isang sasakyan, ngunit tumakas ang suspek nang mapansin ang paparating na mga pulis.

Nahuli rin siya matapos ang maikling habulan. Patuloy ang follow-up operation upang mabawi ang marked money na itinapon umano ng suspek habang tumatakas.

Haharap ang opisyal sa mga kaukulang kasong kriminal at administratibo, at dati na rin umano siyang nasangkot sa kaparehong mga alegasyon.

Nilinaw ng BFP na ang ginawa ng suspek ay hindi sumasalamin sa propesyonalismo at integridad ng karamihan sa kanilang mga tauhan.

Binigyang-diin din ng ahensya na walang anumang bayad ang hinihingi sa alinmang yugto ng kanilang recruitment process, at ang pagtanggap sa serbisyo ay batay lamang sa merito, kwalipikasyon, at pisikal at mental na kakayahan alinsunod sa umiiral na mga patakaran. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here