Home HOME BANNER STORY Unified 911 maaaring magamit sa panahon ng kalamidad – PNP

Unified 911 maaaring magamit sa panahon ng kalamidad – PNP

4
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na gamitin ang Unified 911 hotline tuwing may sakuna at kalamidad upang mapabilis ang pagresponde ng mga awtoridad.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang Unified 911 ay nag-uugnay sa pulisya, Bureau of Fire Protection, medical services, at rescue teams sa pamamagitan ng iisang emergency number.

Sinabi ni Nartatez na hindi lamang ito para sa mga krimen kundi para rin sa mga pangangailangan ng mamamayan sa panahon ng bagyo at iba pang kalamidad, kabilang ang preemptive evacuation, search and rescue operations, at iba pang emergency.

Binigyang-diin niya na ang maagang pag-uulat ng insidente ay nakatutulong upang mas mabilis na makakilos ang mga responder, lalo na sa panahon ng masamang panahon kung saan mahalaga ang bawat minuto.

Dagdag pa niya, patuloy na pinapalakas ng PNP ang kanilang emergency response capability sa pamamagitan ng Unified 911 hotline bilang bahagi ng paghahanda at mas mabilis na pagbibigay ng serbisyo sa publiko sa panahon ng mga emerhensiya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here