Home NATIONWIDE Barangay konsehal binaril-patay sa Maguindanao del Sur

Barangay konsehal binaril-patay sa Maguindanao del Sur

2
0

MANILA, Philippines – Binaril patay ang konsehal ng barangay nitong Sabado ng hapon, Agosto 8, sa Barangay Poblacion, Talayan, Maguindanao del Sur sa kabila ng umiiral na gun ban sa kauna-unahang Bangsamoro parliamentary elections sa susunod na buwn.

Ayon kay Capt. Steffi Salanguit, ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) police, kinilala ang biktima na si Misuary Bago Mayuan, 47, barangay councilor ng Barangay Alunganen, Datu Piang, Maguindanao del Sur na nagtamo ng tama ng bala ng baril matapos ang pag-atake ala-1 ng hapon.

Sa ulat, minamaneho ng opisyal ang kanyang motorsiklo nang buntutan ng mga gunman na sakay ng isang mini van at binaril ito mula sa likod.

Matatandaan na noong Hulyo 16 ay ipinatupad ang gun ban bilang bahagi ng paghahanda para sa makasaysayang Bangsamoro parliamentary elections na nakatakda sa Setyembre 14. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here