Home METRO Traffic enforcer pinagbabaril sa kasagsagan ng ulan

Traffic enforcer pinagbabaril sa kasagsagan ng ulan

2
0

MANILA, Philippines – Isang traffic enforcer ang pinaulanan ng bala habang nasa kasagsagan ng ulan sa Town & Country, Brgy Burol. Main, Dasmariñas City, Cavite

Sa report ng pulisya, dakong alas-5:00 ng hapon nitong Sabado, Agosto 8, 2026 naganap ang insidente.

Kasalukuyang nakatayo ang biktima sa nasabing lugar ng bigla umanong sumulpot ang isang hindi pa nakikilalang lalaki at agad siyang pinaputukan.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspek sa direksiyon patungong H2 habang naiwan sa lugar ang biktima.

Base sa nakasaksi sa nasabing insidente, isang lalaking nasa katamtaman ang taas at may malaking bahagi ng mukha na nakatakip.

Kaagad namang nagsagawa ng follow up operation ang pulisya habang patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan sa suspek.

Hindi pa malinaw sa ngayon kung ano ang motibo ng suspek sa biktima at kung may kinalaman sa trabaho ang nasa likod ng pamamaril.

Samantala, patuloy na nirereview ang mga CCTV footage sa paligid ng nasabing lugar at kalapit na mga establisimyento para sa karagdagang impormasyon na makakatulong sa kaso kaugnay sa nasabing insidente.

Hanngang sa kasalukuyan ay hinihintay pa ang opisyal na pahayag hinggil sa pagkakakilanlan ng biktima, kalagayan nito. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here