MANILA, Philippines – Arestado ang apat na lalaki kabilang ang isang 18-anyos sa umano’y drug den sa Barangay Dapdap, Mabalacat, Pampanga.
Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Central Luzon ang mga suspek na sina alyas “Jay,” 42, ang umano’y operator ng drug den; “Tonton,” 37; “Otep,” 25; at “Rico,” 18.
Isinagawa ng mga ahente ng PDEA at lokal na pulisya ang operasyon bandang 3:20 ng hapon ng Biyernes, Agosto 7.
Isang undercover agent ang bumili ng sachet ng hinihinalang shabu mula kay Jay dahilan para arestuhin ang apat na suspek.
Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa walong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P54,400 maging ang assorted drug paraphernalia at marked money na ginamit sa operasyon.
Nahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC