Home OPINION CONFI FUNDS TRIAL ITUTULOY PA BA?

CONFI FUNDS TRIAL ITUTULOY PA BA?

3
0

SINASABI ng prosecution sa impeachment trial na aabot sa 31 araw ang pagpapalabas nila ng lahat ng ebidensya sa umano’y paglustay o pagbulsa ni Vice President Sara Duterte ng malalaking halaga mula sa confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education ni VP Sara Duterte.

Isang malaking katanungan kung pupuwedeng paabutin ito sa nasabing haba ng panahon kung may palatandaan nang walang mapapala ang prosecution dito batay sa naganap na nakalipas na tatlong araw na pagtestigo ni prosecution witness Atty. Roderick Wamil.

Sa kabuuan, hindi walas sa mga testimonya ni Wamil para masabing nilustay o kaya personal na nakinabang si VP Sara sa mga naging umano’y kuwestiyunableng pinagkagastusan ng mga confidential fund.

Una, malinaw sa kanyang mga testimonya at umamin siyang wala siyang personal na kaalaman kung nakinabang mismo si VP Sara sa confidential funds.

Ito’y makaraang tanungin siya ni defense Atty. Michael Poa at isang Senator-Judge ukol dito.

Ikalawa, ilan lang na Audit Observation Memorandum (AOM) at Notice of Suspension (NS) ang nailabas niya laban kay VP Sara at hanggang dito lang ang nagawa niya at wala siyang kaalaman kung umabot ang mga iyon sa Notice of Disallowance o pinal na desisyon.

Batay ito sa paglilinaw mismo ni Presiding officer Chiz Escudero kung may pinal nang desisyon dito hindi lang sa Commission on Audit en banc kundi sa Supreme Court dahil pwedeng maapila sa huli ang desisyon ng una.

Ikatlo, hanggang rekomendasyon lang ang kapangyarihan ni Wamil at wala siyang kapangyarihang magdesisyon at sinasabi niya mismo na ang COA en banc ang may ultimong kapangyarihang magdesisyon.

Ikaapat, ang ipinipilit noon ni Wamil na prima facie evidence o ebidensyang magtitiyak ng pagiging guilty ng akusado o respondent sa hukuman o iba pang tribunal gaya ng COA en banc ay hindi pa nasusubukan sa hukuman sa panahon niya.

Sa kabuuan kung ganoon, wala ni anomang halaga ang mga testimonya ni Wamil.

KASUNOD NA SERYE

Magpapatuloy ngayong araw ang paglilitis at nakasalang na si Xylene Mae del Campo ng Intelligence and Confidential Audit Office o ICFAO na pinanggalingan din ni Wamil.

Si Del Campo ang nagpatuloy hanggang ngayon ng trabaho ni Wamil mula noong Pebrero 2024.

Hindi sinasabi ng prosecution kung nakaabot na sa Notice of Disallowance (ND) lahat ng inisyung AOM at NS ni Wamil.

O kaya’y may bagong AOM at NS na inisyu rin si De Ocampo.

Sa huli, pinakamahalaga pa rin kung ano na ang kinahinatnan ng mga trabaho ni De Ocampo.

Nakaabot ba ito sa Notice of Disallowance at mayroon na bang pinal na desisyon ang COA en banc na nagdedeklarang may iregularidad o iligal na sa paggamit ng confidential funds at mayroon bang nagdidiin na personal na nakinabang si VP Sara sa “nalustay o ninakaw” na pondo?

Pero may malinaw na wala sa balita, mga Bro.

‘Yun bang === walang nakabinbing kaso si VP Sara sa Supreme Court hanggang tinitipa ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here