Home HOME BANNER STORY UPDATE: 4 patay, 6 nawawala sa landslide sa Baguio

UPDATE: 4 patay, 6 nawawala sa landslide sa Baguio

3
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa apat ang bilang ng mga nasawi sa landslide na tumama at naglibing sa tatlong bahay sa Riverside, Guisad Surong, Baguio City nitong Linggo, Agosto 9, 2026.

Sa report kay Mayor Benjamin Magalong, sinabi ni Baguio City Police Director P Col Ruel Tagel na hanggang 5:35 ng umaga ng Lunes, Agosto 10 ay pito sa 13 indibidwal ang nakuha na mula sa landslide area.

Ang tatlong buhay na nakuha ay dinala na sa ospital habang ang apat ay idineklarang patay.

Kabilang sa apat na nasawi ang isang 17-anyos na babaeng estudyante, siyam na taong gulang na lalaking estudyante, isang babaeng estudyante na edad 9, at 56-anyos na lalaki.

Edad 27-anyos na lalaki at babae, at 77-anyos na pastor din ang nasagip.

Hinahanap pa rin ang anim na indibidwal sa nagpapatuloy na Search, Rescue and Retrieval (SRR) operation.

Kabilang sa nawawala ang mga bata edad tatlo at walo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here