Home METRO OVP naghatid ng tulong sa higit 4,000 pamilya sa Ilocos Norte

OVP naghatid ng tulong sa higit 4,000 pamilya sa Ilocos Norte

4
0

ILOCOS NORTE, Philippines – Naghatid ang Office of the Vice President (OVP) ng agarang relief assistance sa mahigit 4,000 pamilya na naapektuhan ng pagbaha dulot ng habagat sa Ilocos Norte.

Mula Agosto 3 hanggang 7, nagsagawa ng disaster relief operations ang OVP Disaster Operations Center (OVP DOC) upang tulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng enhanced southwest monsoon (habagat) at Tropical Cyclone Kiyapo.

Namahagi ang OVP ng tulong sa halos 1,200 pamilya sa Paoay, 1,330 pamilya sa Batac City, at 1,500 pamilya sa Dingras.

Isinagawa ang operasyon habang nakararanas ng malalakas na ulan at pagbaha ang ilang bahagi ng Ilocos Norte.

Ayon sa OVP, bahagi ito ng kanilang patuloy na disaster response efforts upang magbigay ng agarang tulong sa mga Pilipinong apektado ng kalamidad.

“Sa gitna ng mga pagsubok na dulot ng kalamidad, nananatiling katuwang ng bawat Pilipino ang OVP sa paghahatid ng maagap, makatao, at may malasakit na serbisyo, upang matiyak na walang pamilyang maiiwan sa oras ng pangangailangan,” ayon sa OVP.

Patuloy ring nagpapatupad ang OVP ng mga relief operation sa iba’t ibang lugar na tinamaan ng kalamidad upang makapagbigay ng agarang suporta sa mga apektadong komunidad. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here