Home NATIONWIDE Pansamantalang ban sa pag-import ng manok, ibon mula Japan, inalis ng DA

Pansamantalang ban sa pag-import ng manok, ibon mula Japan, inalis ng DA

1
0

MANILA, Philippines – Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang pansamantalang pagbabawal sa pag-import ng mga domestic at wild bird mula Japan matapos itong ideklarang ligtas sa highly pathogenic avian influenza (HPAI) o bird flu.

Ayon sa DA, ipinakita ng isinagawang risk assessment na napakababa na ng posibilidad na maipasa ang sakit sa pamamagitan ng mga poultry import mula Japan, kabilang ang day-old chicks at hatching eggs.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na hindi isasakripisyo ng pamahalaan ang kalusugan ng lokal na industriya ng manok, ngunit mahalaga ring mapanatiling bukas ang maaasahang suplay ng de-kalidad na breeding materials kapag napatunayang mababa na ang panganib.

Dagdag pa ng DA, makatutulong ang pag-alis ng ban sa pagpapalakas ng food security at pagiging kompetitibo ng poultry sector. Gayunman, mananatili pa rin ang mahigpit na veterinary inspections, quarantine protocols, at iba pang import requirements upang matiyak ang kaligtasan ng industriya at ng publiko. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here