Home METRO Sundalo utas, dalawa sugatan sa pamamaril sa Sulu

Sundalo utas, dalawa sugatan sa pamamaril sa Sulu

1
0

SULU, Philippines – Patay ang isang Philippine Army corporal habang sugatan ang dalawa pa matapos silang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki sa kahabaan ng highway sa Barangay Tagbak, Indanan, Sulu noong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Cpl. Aldrin Wanson, 34, ng 41st Infantry Battalion, na nagtamo ng tama ng bala sa likod ng ulo at namatay sa lugar. Sugatan naman sina Cpl. Philip Wiga, 31, na tinamaan sa kanang paa at batok, at Cpl. Benjie Jacinto, 33, na tinamaan sa kanang hita. Dinala sila sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital para sa agarang gamutan.

Batay sa paunang imbestigasyon, sakay ng iisang motorsiklo ang tatlong sundalo patungo sa 11th Division Training School nang habulin sila ng dalawang suspek na sakay rin ng motorsiklo at pagbabarilin gamit ang kalibre .45 na baril.

Nakarekober ang mga imbestigador ng ilang basyo ng bala sa pinangyarihan. Kinondena ng 11th Infantry “Alakdan” Division ang insidente at nagsagawa na ng hot pursuit operations kasama ang Philippine National Police upang matukoy at madakip ang mga salarin at alamin ang motibo ng pag-atake. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here