Home NATIONWIDE DPWH nagsagawa ng road reblocking sa ilang kalsada sa Metro Manila

DPWH nagsagawa ng road reblocking sa ilang kalsada sa Metro Manila

4
0

MANILA, Philippines – Nagsasagawa ng road reblocking at repair tuwing weekend ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Quezon City mula 11 ng gabi hanggang 5 ng umaga hanggang Agosto 17, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Patuloy ang ginagawang road reblocking at repair sa inner lane ng Payatas Road, mula sa Petron Gas Station hanggang Salcedo Street sa Barangay Bagong Silangan.

Ang proyekto ay para sa preventive maintenance at concrete reblocking na may kontratang halagang P5.12 milyon.

Ito ay ipinapatupad ng Quezon City 1st District Engineering Office at pinopondohan sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act.

Ang apektadong bahagi ay nasa ilalim ng kontrata ng EMQ Design & Construction, na nagsimula noong Hulyo 10 at orihinal na nakatakdang matapos noong Agosto 7.

Samantala, nananatiling madadaanan hanggang 12:20 ng umaga ang bahagi ng Payatas Road mula San Miguel Street hanggang Wilcon, na sumasakop sa outer lane. Madadaanan din sa parehong oras ang bahagi ng C-5 Road mula sa tapat ng UP Town Center hanggang sa kanto ng C.P. Garcia Avenue.

Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternate routes at maglaan ng dagdag na oras sa biyahe habang ginagawa ang mga kalsada.

Nauna nang naglabas ng advisory ang MMDA tungkol sa road reblocking at repair ng DPWH sa Quezon City, at hinikayat ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta sa mga apektadong lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here