Manila, Philippines – Pinagtatawanan ngayon si Mariel Padilla dahil sa kanyang depensa sa asawang si Sen. Robin Padilla.
Ayon kay Mariel, Criminology graduate daw si Robin.
Wala naman daw kaso ‘yon, pero huwag namang palabasin na mas matalino pa si Robin kesa kay PBBM.
Graduate din daw kasi ang kasalukuyang pangulo mula sa tinatawag na Ivy League sa Amerika.
Sabi pa ni Mariel, kahit daw noong nakakulong si Robin sa National Bilibid Prison ay nakapagpasa na daw ito ng batas.
Ang tanong–anong batas ang naipasa ni Robin?
And for someone to pass a law, si Robin daw ba’y senador na noong time na ‘yon?
Tinawag na imposible ang depensa ni Mariel on this basis.
Ang malala daw ay ginamit pa ni Mariel ang Philippine Army para i-justify na qualified daw si Robin dahil iniatang dito ang isang mabigat na responsibilidad.
Naging hepe daw si Robin ng communications at strategic planning.
Posible daw na ginawa si Robin bilang in charge of communications dahil artista siya at may
impluwensya para makipag-ugnayan sa taumbayan.
Ang nakakatawa ay ang strategic planning–sa paanong paraan daw ito ina-apply ni Robin?
Ang alam din daw na accomplishment ni Robin noong nasa Philippine Army siya’y ang paggawa nito ng pelikula tungkol sa NPA.
Hindi naman daw nilinaw ni Mariel if Robin was appointed to the position.
Marami daw kasing factor kung bakit napabilang doon si Robin–podibleng dahil isa siyang Rodrigo Duterte supporter.
But accomplishment-wise ay walang maisip ang publiko although nauunawaan daw ang pagtatanggol ni Mariel sa asawa.
Pero para daw sabihing mahusay, matalino at qualified bilang senador si Robin, alam naman daw ng lahat na hindi.