Home NATIONWIDE Pinalawak na Crop Insurance Bill para sa mga magsasaka at mangingisda, lusot...

Pinalawak na Crop Insurance Bill para sa mga magsasaka at mangingisda, lusot na sa Kamara

3
0

MANILA, Philippines – Sa botong 201 pabor at walang pagtutol, aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang House Bill No. 10365 na naglalayong palakasin at palawakin ang sistema ng agricultural insurance system sa bansa.

Layunin ng panukala na bigyan ng mas matatag na proteksyon ang mga magsasaka at mangingisda laban sa mga bagyo, baha, tagtuyot, peste, at iba pang banta sa kanilang kabuhayan.

Ayon kay House Speaker Faustino Dy III, isa sa pangunahing may-akda ng panukala, mahalaga na maisabatas ang panukala upang mabigyan ng proteksyon ang mga magsasaka at mangingisda at maiiwas na mabaon sa utang  kapag tinamaan ng kalamidad ang kanilang mga sakahan.

“We need an insurance system that helps our farmers get back on their feet instead of forcing them deeper into debt. This measure will ensure that the people who feed our nation have something to fall back on when disaster strikes,” ani Dy.

“For a farmer, one typhoon can mean losing the crop, the money spent on seeds and fertilizer, months of labor, and the income the family was counting on. Without adequate protection, one disaster can become years of debt.”  dagdag pa ng lider ng Kamara.

Sa ilalim ng HB 10365, palalakasin ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) upang mas marami itong maaaring ma-insure maliban lamang sa tradisyunal na palay at mais.

Sasakupin na din ng PCIC ang high-value crops, livestock, aquaculture, at mga produktong pang-isda, Agroforestry crops at forest plantations gayundin ang makinarya sa agrikultural, kagamitan, pasilidad sa transportasyon at kahalintulad na imprastruktura

Pinapahintulutan din ng panukala ang PCIC na mag-alok ng mga makabagong produkto tulad ng parametric o index-based insurance, gayundin ang pumasok sa mga public-private partnerships. Sinabi ni Dy na kapag mayroon nang insurance ay agad na matutulungan ang mga magsasaka at mangingisda na makarekober tuwing makakaranas ng kalamidad o pagkasira ng kanilang mga tanim.

“insurance is not simply compensation after a loss. It can mean having the resources to plant again, repair equipment, restore a livelihood, and continue producing food for our communities.” pagtatapos ni Dy. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here