Home NATIONWIDE Impeachment court, walang rule para sa virtual hearing

Impeachment court, walang rule para sa virtual hearing

1
0

MANILA, Philippines – Walang nakasaad sa rules ng Senate impeachment court na nagpapahintulot sa pagsasagawa ng virtual proceedings kahit masama ang panahon, ayon kay court spokesperson Reginald Tongol nitong Linggo.

Napag-usapan ito matapos maagang itigil ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte dahil sa suspensyon ng government work sa Metro Manila dulot ng habagat.

“Wala po kasi sa impeachment rules yung virtual court hearings; even in ordinary courts, ito ay by exception lamang,” ani Tongol.

Ipinaliwanag niya na sa mga regular na korte, maaari lamang magsagawa ng virtual hearing kapag may nagmosyon mula sa alinmang panig at may sapat o makatuwirang dahilan para dito.

“Kailangan magmove ang either party and to give reasonable or justifiable reason kung bakit kailangan ng online or virtual hearing,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Tongol na maaaring maging “logistical nightmare” ang pagsasagawa ng impeachment trial online dahil kailangang isama hindi lamang ang 24 senator-judges, kundi pati ang mga miyembro ng House prosecution at defense panels, kanilang staff, mga staff ng senator-judges at impeachment clerk of court.

Hindi ito ang unang pagkakataong naapektuhan ng masamang panahon ang impeachment trial. Noong Agosto 10, ipinagpaliban din ang paglilitis dahil sa epekto ng isang tropical cyclone at habagat. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here