Home OPINION PAGMUMURA WALA SA EDSA, MERON SA DAVAO

PAGMUMURA WALA SA EDSA, MERON SA DAVAO

1
0

HINDI na kailangang sabihin pa kung saan-saan merong mga may baha at sira-sirang kalsada sa mga araw na ito.

Ang nakapagtataka lang, marunong palang magmura itong si Department of Public Works Secretary Vince Dizon kung nasa Davao City siya at hindi sa ibang lugar na kung saan siya konektado sa paggawa ng proyekto ng gobyerno.

P+++tang Ina ang tumalsik sa kanyang dila habang iniinspeksyon nito ang natengga umanong pagpapataas ng dike na anti-flood control project sa Talomo River na sakop ng Brgy. Bangkal doon nito lang katapusan ng Hulyo 2026.

Pero hindi siya nagmura nang bumulaga sa kanya ang mga binabahang lugar sa ibang lugar.

Kahit sa mga butas-butas na kalsada kahit saan sa Metro Manila at mga lalawigan.

Butas-butas ang mga kalsada dahil nababakbak ang mga aspalto na paulit-ulit na isinasagawa mismo ng DPWH.

Partikular sa buong EDSA, nagsimula ang pag-aaspalto sa maraming bahagi nito noong Disyembre 2025.

Aniya noon, magtatagal ang patong na aspalto sa sementadong kalsada ng limang taon.

Pero wala pang isang taon, nabakbak na ang maraming bahagi ng mga inaspalto sa ulan at baha.

Bunga nito, nagkakaroon ng mga katakot-takot na trapik, disgrasya sa motor, nasisirang sasakyan at pagkasira ng ekonomiya na dala-dala ng libo-libong sasakyang dumaraan sa EDSA araw-araw.

Dagdag na rin natin, sa ibang mga karatig-lalawigan, may mga nagkabutas-butas ding mga aspaltadong kalsada at ngayo’y binabakbak nang buo o tinatabunan lang ng graba ng mga taga-DPWH.

Akalain mong aabutin ka ng isang oras bago makatawid sa nasa 200 metro lang na butas-butas at aspaltadong kalsada gaya sa Sta. Maria, Bulacan.

Nga pala, butas-butas na rin ang kabago-bagong aspalto mismo sa Quezon Bridge sa Quiapo.

Pero ang pinaka sa lahat ng mga pangyayari, hindi nagmumura si Dizon at sa Davao City lang ito nagmura.

Hmmmm…bakit kaya?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here