Home METRO 2-anyos nalunod sa irigasyon; akisdenteng natulak sa Pangasinan

2-anyos nalunod sa irigasyon; akisdenteng natulak sa Pangasinan

1
0

PANGASINAN — Nasawi ang isang dalawang taong gulang na babae matapos malunod sa irrigation canal sa Calasiao, Pangasinan nang aksidente umano siyang maitulak ng kanyang anim na taong gulang na kapatid habang naglalaro.

Batay sa inisyal na impormasyon, kasama ng magkapatid ang kanilang ina sa isang palayan na may tubig upang manghuli sana ng isda nang mangyari ang insidente.

Habang naglalaro ang dalawang bata, aksidente umanong naitulak ng nakatatandang kapatid ang biktima at nahulog sa canal.

Isang lalaking namimingwit sa kalapit na ilog ang nagtangkang tumulong, ngunit naipit umano ang bata sa ilalim ng tubig. Hindi rin agad lumabas ang kanyang katawan sa kabilang bahagi ng canal dahil may nakabara sa daluyan.

Nang tuluyang makuha ang bata, agad siyang isinugod sa ospital ngunit hindi na umabot nang buhay.

May hiwalay ding insidente ng pagkalunod sa Licab, Nueva Ecija noong Agosto 12 kung saan nasawi ang isang 17-anyos na lalaki sa Barangay Aquino. Kinumpirma ng Licab Fire Station na nagsagawa ang mga awtoridad ng retrieval operation at narekober ang katawan ng biktima.

Patuloy na pinaaalalahanan ang mga magulang at guardian na bantayang mabuti ang maliliit na bata sa paligid ng mga kanal, ilog at iba pang malalalim na daluyan ng tubig, lalo na ngayong mataas ang water level sa maraming lugar dahil sa mga pag-ulan. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here