Home OPINION ANTI-HOSPITAL DETENTION BILL, INAPRUBAHAN NG SENADO SA IKATLONG PAGBASA

ANTI-HOSPITAL DETENTION BILL, INAPRUBAHAN NG SENADO SA IKATLONG PAGBASA

1
0

ISANG mahalagang hakbang para sa proteksyon at dignidad ng mga pasyenteng kapos sa pera
ang pinagtibay ng Senado matapos nitong aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill
No. 1511 o ang "Strengthening the Protection of Patients Against Hospital Detention."

Pumasa ang panukala sa botong 18 pabor, walang tutol, at isang abstention. Layunin nitong
mas palakasin ang proteksyon laban sa hospital detention o ang ilegal na pagpigil sa mga
pasyente o maging sa mga labi ng namatay dahil sa kawalan ng kakayahang makabayad nang
buo sa medical bills.

Binigyang-diin ng may-akda ng panukala na si Sen. Risa Hontiveros na hindi binubura ng batas
ang lehitimong utang ng pasyente. Sa halip, binibigyan ng pagkakataon ang mga kwalipikadong
indigent o financially incapacitated patients na makalabas gamit ang promissory note na
supported ng mortgage, guaranty contract, SSS/GSIS loan proceeds, o guarantee letters mula sa
DSWD, DOH, at PCSO.

Pangunahing Probisyon at Sektor na Sumusuporta
 Transparency at Grievance Mechanism: Obligado ang mga ospital na ipaalam nang
malinaw ang mga tinatayang gastos at billing policies upang maiwasan ang mga
nakatagong singil.

*Mabigat na Parusa: Ang mga opisyal ng ospital na magpapatupad ng illegal detention ay
maaaring patawan ng ₱500,000 hanggang ₱1 milyon na multa at pagkakakulong ng 4
hanggang 6 na taon.
* Pagkilala ng mga Senador: Inihayag nina Sen. Raffy Tulfo at Sen. Erwin Tulfo na hindi
dapat gawing "collateral" ang mga pasyente o maging ang mga bagong silang na
sanggol. Sumuporta rin sa layuning ito sina Senate President Sherwin Gatchalian, Sen.
Joel Villanueva, at Sen. Bong Go.

Pampublikong Tulong at Suporta sa Kamara

Nilinaw rin na ang anumang hindi nabayarang balanse ay dadaanan muna saPhilHealth benefits,
Malasakit Centers (R.A. 11463), at iba pang tulong-pinansyal bago matukoy ang natitirang
obligasyon.

Ayon sa mga mambabatas, ang SB 1511 ay pagpapalakas sa umiiral na R.A. No. 9439 (Anti-
Hospital Detention Law) at R.A. No. 10932 (Anti-Hospital Deposit Law). Kasalukuyan na ring
pinag-aaralan sa House of Representatives ang mga katapat nitong panukala na House Bill Nos.
7442 at 10135.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here