MANILA, Philippines — Isang masuwerteng mananaya ang nag-iisang nanalo ng mahigit P7.15 milyong jackpot sa 6D Lotto draw nitong Martes, Agosto 18, ayon sa opisyal na resulta ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Tinamaan ng bettor ang winning combination na 1-9-4-6-6-2, na may katumbas na premyong P7,156,259. Kinumpirma ng PCSO na isa lamang ang nakakuha ng naturang kombinasyon.
Wala namang nanalo sa tatlong major lotto draws na isinagawa rin noong Martes.
Walang nakakuha sa Ultra Lotto 6/58 combination na 43-44-19-36-12-01, kaya nanatiling walang winner ang jackpot na P218,885,620.58.
Wala ring tumama sa Super Lotto 6/49 na may winning combination na 18-16-12-32-06-24 at jackpot na P25,278,389.75.
Samantala, walang nanalo sa Lotto 6/42 matapos walang makakuha sa kombinasyong 20-16-42-39-35-09, na may premyong P10 milyon.
Batay sa opisyal na tala ng PCSO, nakatakda naman ngayong Miyerkoles, Agosto 19, ang susunod na draws para sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45. RNT