Home HOME BANNER STORY VP Sara sa Malakanyang: Where do public funds go? Ilabas travel authorities,...

VP Sara sa Malakanyang: Where do public funds go? Ilabas travel authorities, gastos ng mga opisyal

1
0

MANILA, Philippines — Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa Malacañang na isapubliko ang mga travel authority na ibinibigay nito sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno, pati ang kaukulang gastusin at pondong pampublikong ginagamit sa mga biyahe.

Sa pahayag nitong Martes, Agosto 18, iginiit ni Duterte na hindi lamang isang tanggapan ng gobyerno ang dapat saklaw ng transparency at accountability pagdating sa paggamit ng pondo ng bayan.

“Where do public funds go?” tanong ng Bise Presidente.

Aniya, makabubuti sa publiko kung magiging available ang kumpletong impormasyon hinggil sa travel expenses ng mga tanggapan at opisyal ng gobyerno, kabilang ang anumang public funds na ginamit sa mga naturang biyahe.

“From hereon, we expect that all travel authorities issued by the Palace, together with the corresponding travel expenses and public funds involved, be made available to the public,” saad ni Duterte.

Lumabas ang pahayag matapos kumpirmahin ng Presidential Communications Office na nabigyan si Duterte ng travel authority para sa personal na biyahe sa Japan mula Agosto 19 hanggang 24. Ayon sa naunang Palace information, walang gastos sa gobyerno ang mismong personal trip.

Kalaunan ay sinabi ng Bise Presidente na nagbago na ang kanyang plano at nagsumite na ang kanyang tanggapan ng updated information sa Office of the President. Kinansela rin, sa kanyang kahilingan, ang naunang travel authority.

Nauna ring sinabi ng Malacañang na wala itong nakikitang mali sa pagbibigay sa publiko ng impormasyon tungkol sa travel authority ng Bise Presidente, dahil may mga gastusing maaaring kaugnay ng kanyang security at staff kahit personal ang biyahe. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here