Home HOME BANNER STORY Social media ban sa menor, tumingkad vs school shooting; Senado nakiramay sa...

Social media ban sa menor, tumingkad vs school shooting; Senado nakiramay sa pamilya ng biktima

1
0

MANILA, Philippines – Muling tumingkad ang pagsusulong ng social media ban sa lahat ng menor de edad na wala pang 16 taong gulang pababa upang maiwasan kundi man masugpo ang karahasan na sanhi ng nakikita at nilalaro sa online, ayon kay Senate President Sherwin “Win” Gatchalian nitong Miyerkules, Agosto 19.

Kasabay nito, nakiramay naman ang ilang senador sa pamilya ng biktima ng shooting incidente sa loob ng Ateneo de Zamboanga sa Zamboanga City na ikinamatay ng dalawa at ikinasugat na siyam na indibiduwal.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na kailangan nang maisatabas ang panukalang ipagbawal ang paggamit ng social media sa mga menor de edad na wala pang 16 taong gulang kasunod ng ilang insidente ng pamamaril sa loob ng paaralan.

Binigyang-diin ni Gatchalian na na-livestream ang insidente, napanood at nai-repost ng maraming tao, bagay na ikinabahala ng mga social media users na nakapanood nito.

Bukod dito, nagbabala siyang ang pag-livestream at pagshare ng ganitong mga insidente ng pamamaril, pati na rin ang mga itinuturing na graphic materials, ay maaaring magdulot ng kaisipang normal ang ganitong mga pangyayari, lalo na sa mga kabataan.

“Patuloy nating isinusulong ang social media ban para sa mga menor de edad upang itaguyod ang kanilang kaligtasan at kapakanan. Hindi na natin maaaring hayaan na manaig ang pinsala ng social media at ang impluwensiya nito upang itulak sa karahasan ang ating mga kabataan,” ani Gatchalian.

Nakapaloob sa inihain ni Gatchalian na Social Media Safety for Children Act (Senate Bill No. 2066) ang panukalang ipagbawal ang social media para sa mga menor de edad na wala pang 16 taong gulang.

Inaatasan din ng panukalang batas ang mga social media platform na magpatupad ng safeguards tulad ng age and identity verification systems, mga hakbang para maiwasan ang pag-iwas sa mga limitasyon batay sa edad, maayos na mekanismo para sa pag-ulat at mabilis na pag-responde para sa underage access, at iba pa.

Kasabay nito, nakiramay naman sa pamilya ng biktima sina Senador Bam Aquino, Pia Cayetano, Risa Hontiveros, Francis Escudero at Joel Villanueva saka binanggit nila na kailangan bigyan silang bigyan ng sapat na socio-medical aid.

Nakadudurog ng puso ang mabalitaan ang nangyaring karahasan sa Zamboanga kaninang umaga. Bilang isang magulang, nakapanlulumo na malaman na ang espasyo kung saan nabubuo ang pag-asa at pangarap ay nagiging lugar ng takot at karahasan,” ayon kay Aquino.

Sinabi pa ni Aquino na nakatakda itong magsagawa ng anumang hakbang lehislatura upang hindi na maulit ang insidente na nagbibigay takot hindi lamang sa mag-aaral kundi maging sa komunidad na dapat naging ligtas na lugar – ang paaralan.

“Lubos tayong nakikiramay sa mga pamilya at kaibigan ng nasawi at sa buong komunidad na naapektuhan ng insidenteng ito. At gagawin natin ang lahat na hindi na ito maulit muli,” ani Aquino.

Ikinabahala naman ni Cayetano ang live streaming ng insidente na lubhang makakaapekto sa ibang kabataan na nakapanood nito at maging mapagmatyag ang lahat laban sa mararahas na online games.

“This underscores the need for stronger mental health support in our schools,” ayon kay Cayetano.

Bilang awtor ng Mental Health Act, sinabi ni Cayetano na dapat walang access ang bata sa partikular na edad sa social media upang maiwasan ang ganitong insidente.

“Those old enough to go online should do so with the guidance of parents and schools. There is simply too much harmful material, dangerous groups, and online predators. We cannot leave our children to navigate these risks alone,” aniya.

Para naman kay Hontiveros, hirap nitong matanggap na may isang insidente na naman ng school shooting ang nangyari sa ating bansa na kailangan nang direktang harapan ng pamahalaan.

“Sa ngayon, hindi pa natin masasabi kung may koneksyon ito sa Nihilistic Violent Extremism (NVE) o sa iba pang online communities na sinimulan nating suriin matapos ang Tacloban shooting,” ayon kay Hontiveros.

“Sa totoo lang, kung ang karahasan ay hindi lamang ginagawa kundi idinidisplay, ginagaya, at nili-livestream pa, mas malaki at mas malalim ang problemang kailangang harapin natin bilang isang lipunan,” dagdag ng senador.

Bilang Chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, sinabi ni Hontiveros na itutuloy ang pagkilos laban sa NVE, sa online grooming for serious violent activity, at iba pang banta sa kaligtasan ng ating mga anak sa susunod nating pagdinig sa Huwebes.

“Hindi dapat matutong mabuhay sa ganitong takot ang ating mga pamilya. Makakaasa kayo na gagawin natin ang lahat upang mapakilos ang gobyerno at maprotektahan ang ating mga anak,” ayon kay Hontiveros.

Ipinaabot din ni Escudero sa pamilya ng biktima ang lubos na pakikiramay at panalangin sa kanila saka sinabing hindi lamang ito nagdulot ng matinding dalamhati sa kanilang mga pamilya, kundi nag-iwan din ng malalim na trauma sa buong komunidad at sa mga batang nakasaksi sa pangyayari.

“Ang sunud-sunod na insidente ng karahasan na kinasasangkutan ng mga kabataan nitong mga nagdaang buwan—mula sa mga kaso ng pananaksak sa Cavite, hanggang sa pamamaril sa Tacloban at Zamboanga—ay malinaw na senyales ng lumalalim na problemang panlipunan. Kabilang dito ang usapin ng gun safekeeping, seguridad sa paaralan, mental health, at ang patuloy na exposure ng kabataan sa mararahas na online content at e‑games. Hindi na ito maaaring ipagwalang-bahala,” ayon kay Escudero.

Giit ni Escudero na “kailangan din natin maisama sa mga priority bills ang pagrepaso sa Republic Act No. 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006. May nakapaloob mang mekanismo para sa accountability at rehabilitasyon ng mga menor de edad na lumabag sa batas, ngunit kung may mga puwang sa implementasyon, tungkulin nating tukuyin at ayusin ang mga ito.”

“We need to act fast. Dapat bukas ang mga mambabatas sa anumang pagbabago at tingnan ang pagkakataon para ayusin, pabilisin, at tiyakin na mas maayos ang mga batas na ating ipapasa alang‑alang sa interes ng ating bansa at mga mamamayan, lalo na ang mga kabataan. Kung hindi na tumutugon sa pangangailangan ng panahon, tungkulin naming ayusin at iakma ang mga ito,” ani Escudero.

Naniniwala naman si Villanueva na isang “painful reminder na dapat mabigyan ng kapaligiran ng kaligtasan at seguridad ang ating kabataan.

“Schools should be sanctuaries of learning, hope, and opportunity and not places where our children have to fear for their lives. We extend our deepest condolences to the families who lost their loved ones and our prayers to those who were injured,” aniya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here