Home METRO Guidance counselor, tigok sa sagasa ng trak sa CDO

Guidance counselor, tigok sa sagasa ng trak sa CDO

1
0

CAGAYAN DE ORO CITY — Nasawi ang isang 26-anyos na guidance counselor matapos mabundol at magulungan ng trailer truck habang tumatawid sa Barangay 22, Cagayan de Oro City nitong Miyerkules ng umaga, Agosto 19.

Ayon sa Traffic Enforcement Unit (TEU) ng Cagayan de Oro City Police Office, papasok sana sa trabaho sa isang unibersidad ang biktima nang mangyari ang insidente.

Isinugod siya sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Ayon kay TEU-COCPO Deputy Chief Capt. Joshua Abrasaldo, nagulungan ng truck ang katawan ng biktima.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng trailer truck at maaaring maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Sinabi umano ng driver na hindi niya napansin ang babaeng tumatawid.

Kasunod ng insidente, pinaalalahanan ng TEU ang mga pedestrian na mag-ingat kapag tumatawid malapit sa malalaking sasakyan dahil may mga bahagi sa paligid ng truck na maaaring hindi makita ng driver o tinatawag na blind spot.

Pinayuhan din ang mga pedestrian na tiyaking napansin sila ng driver bago tumawid sa harapan ng malalaking sasakyan. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here