Home NATIONWIDE BOC chief: Sinibak na Zambo customs police chief, ‘competent sa trabaho

BOC chief: Sinibak na Zambo customs police chief, ‘competent sa trabaho

1
0

MANILA, Philippines — Inilarawan ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno bilang “competent officer” si Lt. Lars Jalani II, ang relieved Customs police chief sa Zamboanga, ngunit iginiit niyang kailangang imbestigahan kung paano nakuha ng anak nito ang mga baril na ginamit sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University.

Sa isang interbyu, sinabi ni Nepomuceno na naging bahagi si Jalani ng mga operasyon kontra smuggling sa Zamboanga at mahusay umano itong opisyal.

“I am not defending him,” paglilinaw ni Nepomuceno habang binabanggit ang naging trabaho ni Jalani laban sa smuggling ng sigarilyo, langis at agricultural products sa lugar.

Gayunman, sinabi ng Customs chief na kinakailangang alisin muna sa puwesto si Jalani habang iniimbestigahan kung paano napunta sa kanyang anak ang mga armas.

Binigyang-diin ni Nepomuceno na bilang public official at firearm owner, dapat sana ay mas mahigpit ang pag-iingat ni Jalani upang hindi ma-access ng kanyang mga anak ang mga baril.

Nauna nang iniutos ng BOC ang relief at preventive suspension ng Customs Police personnel na may-ari ng mga armas na umano’y ginamit sa insidente, habang isinasagawa ang imbestigasyon. Nag-utos din ang ahensya ng inventory ng lahat ng government-issued firearms at review sa pagsunod sa gun safety, custody, transport, storage at safekeeping policies.

Kinumpirma rin ni BOC Deputy Commissioner Nolasco Bathan na isa sa dalawang baril na ginamit sa pamamaril ay isang BOC-issued Glock 22 .40-caliber pistol na nakatalaga kay Jalani. Ang isa pang armas ay personal ngunit lisensiyado umano.

Tiniyak naman ni Nepomuceno na makikipagtulungan ang Bureau of Customs sa mga awtoridad sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa insidente. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here