Home HOME BANNER STORY Malalakas na ulan, inaasahan sa ilang bahagi ng Luzon ngayong hapon

Malalakas na ulan, inaasahan sa ilang bahagi ng Luzon ngayong hapon

1
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang PAGASA na makararanas ng light to moderate na ulan na may paminsan-minsang malakas na buhos ang ilang lugar sa Luzon nitong Huwebes ng hapon, Agosto 20, dahil sa Habagat.

Sa weather advisory ng PAGASA alas-2 ng hapon, inaasahang uulan sa susunod na tatlong oras sa ilang bahagi ng Tarlac, kabilang ang San Jose, Capas at Bamban, at Pampanga, kabilang ang Porac, Angeles at Mabalacat.

Nakakaranas din ng katulad na panahon sa ilang lugar sa Zambales, gaya ng Botolan, Cabangan at Iba, at maaaring maapektuhan ang mga kalapit na lugar.

Samantala, sinabi ng PAGASA na mas mahina na ang epekto ng Habagat sa kanlurang Luzon. Gayunman, maaari pa ring magkaroon ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa susunod na 24 oras sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Batanes, Cagayan, Cavite, Batangas, Rizal, Occidental Mindoro at Palawan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here