MANILA, Philippines – Walang nakakuha ng jackpot sa dalawang major lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes, Agosto 20.
Walang bettor ang nakatama sa winning combination na 33-12-13-08-01-47 ng Super Lotto 6/49, na may jackpot na P25,348,447.93.
Wala ring nakahula sa kombinasyong 25-06-11-10-27-39 ng Lotto 6/42 para sa P10 milyong jackpot.
Huling may nanalo sa Super Lotto 6/49 noong Agosto 4, nang isang bettor ang tumama sa jackpot na mahigit P25 milyon.
Ayon sa PCSO, kailangang maitugma ng bettor ang lahat ng anim na numero upang makuha ang jackpot. Ang posibilidad na manalo sa Super Lotto 6/49 ay isa sa 13,983,816, habang isa naman sa 5,245,786 para sa Lotto 6/42. RNT