Home OPINION CASTRO LAGOT SA MGA GURO SA TURONG ‘WALANG MODO’ (2)

CASTRO LAGOT SA MGA GURO SA TURONG ‘WALANG MODO’ (2)

1
0

LUMIKHA ng matinding kontrobersya ang mga salita ni Palace spokesperson Claire Castro ukol sa walang modo na mga estudyante na naiimpluwensyahan umano mismo ng mga guro.

Sinabi ni Castro, “Minsan na po natin nakita, mismo ang ibang mga guro ay lumalabag sa ganitong klase ng moralidad…Sila minsan ay nagtuturo sa kanilang mga estudyante kung papaano maging walang modo, lalong-lalo na sa mga nakatatanda or sa mga ibang tao.”

Makaraang pagbabatikusin si Castro ng mga guro, kumapit siya sa kanyang sariling pananaw at sinabing hindi siya magso-sorry, lalo’t wala umano sa konteksto ang mga kritiko niya.

Paliwanag niya, “Ipinakita ko po sa inyo ngayon ang mga guro na nagkaroon ng pagkakamali at iyon din ang ayaw nating pamarisan pa ng iba pa nating mga kababayan.”

PAGDEDETALYE

Ayon naman sa isang ex-Dean ng isang malaking state university na na-ninterbyu ng ating Uzi ukol sa usapin, sinabi nitong, “May mga guro rin talaga na sugarol, babaero, sabungero, rapist, killer…kriminal kung matawag at katulad din sila ng iba na nagkakasala rin. But my mantra is..IM GOOD but not a saint!”

Ipinaliwanag nitong may impluwensya talaga ang mga guro sa kanilang mga estudyante, at nagaganap ito sa mismong direktang pagtuturo o kaya’y sa pamamagitan ng gawa.

Paliwanag niya, mismong mga media ang nag-uulat ng mga nahuhuling sugarol, babaero, sabungero, rapist at killer na mga guro.

Nangyayari umano ang impluwensyang masasama ng mga guro sa ilalim ng “in loco parentis doctrine” na walang iba kundi ang pagiging pangalawang magulang ng mga bata.

Partikular sa “killer”, sistema umano ito na itinuturo ang pagpatay at kitang-kita ito sa pagkakaroon ng mga military training sa mga estudyante sa parte ng pamahalaan at training para sa aktibismo o rebolusyon ng mga militante o kaya’y teroristang guro.

Sa madaling sabi, sa isang banda, tama si Castro ngunit sa kabuuan, kung tatanungin talaga ang mga guro, bibihira ang bilang ng mga guro na nawawala sa katinuan na nakaiimpluwensya sa mga kabataan, mag-aaral man o hindi.

Paliwanag pa ng Dean, higit sa impluwensya ng mga guro ang impluwensya mismo mula sa loob ng pamilya gaya ng pagkakaroon ng magulang na pulis o sundalo o rebelde o terorista at dito maagang matuto sa pagpatay ang menor-de-edad.

Malaking impluwensya rin umano ang kabarkada, kaedad at iba pang nalilinya sa kung tawagin ay “peer” sa Ingles at nakikita ito sa mga bayolenteng mga fraternity o sorority.

IMPLUWENSYA NG MGA BATAS

Itong Pangilinan Law na nanlilibre ng pananagutang kriminal ng mga menor-de-edad ang sinasabi naman ng iba na malaking impluwensya sa pagiging utak-kriminal ng mga bata at napatunayan na ito sa maraming pagkakataon.

Tali naman ang mga kamay ng mga guro sa pagdidisiplina sa ilalim ng Department of Education Order No. 40, s. 2012 o Child Protection Policy na nagbabawal sa anomang uri ng pagpaparusa at panghihiya sa mga mag-aaral at kung magawa ang mga ito ng mga guro, maaaring makasuhan sila ng kriminal at administratibo.

Ano-ano nga ba ang mga dapat gawin upang hindi maulit-ulit ang mga pagpatay ng mga estudyante ng mga kapwa nila o ibang tao?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here